LP #80: Masinop

21 10 2009

Dahil hindi ako gaanong sigurado sa ibig sabihin ng tema ngayong linggo, naghanap-hanap muna ako ng kahulugan ng salitang ito at ito ang natagpuan ko:

sinop
s´inop ­ masinop (ma-) adj. economical, thrifty, frugal, careful

Naku, mukhang mahihirapan yata a… pero, sige, subok pa rin kung uubra… ;)

 Sinasabing isang mahalagang ituro sa mga bata ang pagiging maingat sa mga bagay na meron sila dahil hindi ganoon kadali makamit ang lahat ng naisin.  Naisip kong ito marahil gustong ipahatid ng mga magulang ng batang ito sa kanya…

Sa murang edad, natuto na siyang magbanat ng buto sa abot ng kanyang makakaya upang makatulong kahit paano sa pamilya.  Bagamat nakakaawang tignan, malakas ang kutob kong naitanim na sa isipan ng batang ito ang kahalagahan ng pagtitipid at mas importante, ang kasiyahang naidudulot ng pagsisikap upang makamit ang pinapangarap sa buhay.

Masinop siyang maituturing, hindi ba? :cool:

Maligayang LP sa lahat!


Actions

Information

10 responses

21 10 2009
Willa

ang sweet naman ng dating ng litrato mo.

22 10 2009
Joy

Malaki kaya ang naiuuwi nya?

Eto ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/10/lp-masinop-neat.html

Magandang araw!!

22 10 2009
Mauie

Ayos din lang naman siguro at natututo nga ang batang magsinop. Malay naman natin kung talagang nais niya lang ipakita ang kanyang talento sa pagtugtog ng accordion.

Maligayang Hwebes, eto ang aking masinop na lahok: http://www.maureenflores.com/2009/10/litratong-pinoy-masinop-neat.html

22 10 2009
Arlene

great photo for the theme!

Happy LP!

22 10 2009
Marites

tutuo iyong sinabi mo dahil lumaki akong nagbabanat ng buto gaya ng bata sa larawan kaya nasa akin parin iyong pagiging masinop sa pera. Minsan, nagpapakaligaya ng konti pero hindi pa rin ganun magwaldas. Maligayang LP!

22 10 2009
luna miranda

mukha talaga syang masinop..ang ganda ng litrato mo! sa tingin ko, kahit hindi trabaho na may kita, dapat ituturo sa mga bata ang halaga ng mga bagay na binibigay sa kanila para mapahalagahan nila ang mga ito. yong tipong reward system—kung maganda ang grades, may reward. kung bagsak, wala…at may kasama pang sermon!:p

22 10 2009
Leap of Faith!

I don’t remember seeing this girl. Love the shot.

22 10 2009
Thess

Pinky ang ganda ng mood sa photo! Sana nga ay lumaki syang puspos ang kasinopan! :)

Salamat sa dalaw po…kamusta sa buong pamilya at paki kiss kay pretty little M!

23 10 2009
fortuitous faery

mukhang sapilitan lang ang kanyang pagiging musician. kawawa naman.

24 10 2009
G

Great photo Pinky, damang dama! Mayroon mga batang sadyang mapagmahal sa music, sana ganoon din sha habang kumikita pa…Happy LP! Sorry hindi ako maagap sa pagdalaw…

Leave a comment