Para sa akin, ang unang pumapasok sa isipan kapag sinabi ang “maagap” ay ang pagiging laging handa para sa anumang pangyayari – lalo pa’t yung mga di inaasahan.
Medyo nahirapan ako maghanap ng litratong ilalahok ngayong linggo hanggang sa naalala ko ito…

Ang kauna-unahan naming karanasan sa pagsakay ng isang “cruise ship” kamakailan
Marahil, dahil na rin sa maraming trahedyang pangkaragatan, ang unang pinagawa sa amin ng crew matapos naming ilagak ang mga gamit sa kani-kaniyang mga cabin ay ito…

“Safety First”, ika nga!
Napansin din namin na bukod sa mga abang na lifeboat at raft, meron pang ganito…

Baka daw kasi may biglang mag “overboard” !
Di mapagkakaila na natuwa ako (kahit na medyo na-”biyahilo” ako paminsan-minsan!
) na maagap naman pala ang napili naming sakyan. Siyempre, hindi naman ata magandang maging mala-”Titanic” ang una naming subok sa pagsakay sa ganitong uri ng barko! Hahaha!
Isang “Happy LP Huwebes” sa lahat!
14-October-2009 at 7:31 pm
Pinky!!! hello hello!! *muah* uy long time no dalaw ako ditesh, sensha na ha!
ang gaganda ng kuha! (ND90 itesh, dibuh?) ang cute ni M with her orange vest on! at oo nga…safety first
Manayyy!!! Miss na kita at ang LP – pramis!
Opo, nanghihiram na naman ang beauty ko ng bagong “toy” ni mister… At yes, super excited si bunsoy when the shot was taken – new experience kasi.
Hope all is well with you. Balik-aral ka pala – tiyaga naman
14-October-2009 at 8:04 pm
I really like the first photo. Galing!
Thanks very much!
14-October-2009 at 9:04 pm
wow, nag cruise ka pala! medyo praning ako kapag sumasakay sa barko…di nakakatulog. feeling ko mababangga sa malaking bato sa ilalim ng dagat (lol).
Para ka palang mother-in-law ko… hehehe
Ako naman mas ayoko yung nakakahilong pakiramdam tuwing napapadpad kami sa medyo rough waters. Although admittedly, “Titanic thoughts” did enter my mind – hehehe!
14-October-2009 at 10:29 pm
nice and clear pictures, your unica ija seemed to enjoy the new experience, hapi LP
She absolutely did! Thanks for dropping by
15-October-2009 at 1:19 am
Oy, sosyal! ganda ng kuha at ang liwanag. Buti at maagap ang mga taga-barko sa kanilang trabaho. Saan kayo namasyal?
Hi Marites! Salamat.
Pinalad naming makita ang Athens at ilang isla ng Greece pati na rin ang lumang siyudad ng Ephesus sa Turkey.
15-October-2009 at 1:38 am
Ang ganda ng mga litrato mo. Mabuti naman at sigurado ka sa sinakyan mong barko, syrempre mahirap na baka anu pa ang mangyari. First time ko nga pala sa LP ako nga pala si AL.
Welcome, AL! Sana magkita muli tayo sa susunod na linggo…
15-October-2009 at 5:08 am
so, what rhymes with “orange?” hehe. love your caption!
Got me there, FF! Hahaha!
My sons absolutely insist that there is nothing that rhymes with “orange”! Care to prove them wrong?
15-October-2009 at 5:36 am
Galeng, parang girl scout, always prepared! Maganda ang mga kuha mo Pinky. The clarity and composition of your shots are excellent! Ang cute ng baby mo!
Oo nga – “batas ng scout” din ata ang sinusunod sa mga barkong tulad nito.
Thanks very much for your kind comments! As for my so-calledphotography skills, I try my best…
15-October-2009 at 6:08 am
Better safe than sorry ika nga. Ganda ng mga kuha, malinaw at malinis.
Maligayang araw ka-LP!
Sinabi mo pa
Salamat, Rico!
15-October-2009 at 8:44 am
Ang cute ni little girl
Pinky, kakamiss ka sis.
Hi Julie!
Kataba naman ng puso ang iyong comment… salamat!
15-October-2009 at 12:59 pm
nice pinky… sarap naman… cruise…
Hello, Kapamilyang Lino!
Salamat sa pagbisita.