LP #66: Tuyo (Dry)

16 07 2009

May tutuyo pa ba dito? ;)

Presenting…

Sa malapitang tingin, binuo ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng ilan sa mga paborito kong tuyong pagkain…

  • ang tuyo (dried fish) na masarap isabay sa champorado :D
  • ang tuyong matamis at maalat na pusit (dried squid jerky) na tamang-tamang merienda o “appetizer”; at
  • ang tuyong dulong (dried small fish) – sa totoo lang, mas masarap ang sariwang bersyon nito lalong-lalo na sa torta (dulong omelet)

O ano, na”tuyo”-an ba kayo? :lol:

Nawa’y manatili tayong tuyo mula sa maulan-ulang panahon ngayong araw na ito sa Maynila – maligayang LP sa lahat!


Actions

Information

17 responses

16 07 2009
Willa

tuwing ako’y madadalaw sa asian Store at makita kong may dried pusit, hindi pwedeng hindi ako bibili. :)

I know what you mean… para siyang durian in a way – tastes like heaven but smells like hell! Hahaha! :lol:

16 07 2009
Zee

hehehe I love the Casablanca quote! :) Yummy nga sa tuyo…i’m not much of a fan but I haven’t eaten this for a year and I’m craving for some! LOL

Casablanca! I almost forgot where that quote came from…hahaha! Thanks for jogging my memory, Zee!

16 07 2009
an2nette

Hi! it seems that you’re enjoying your stay sa pinas, kababalik lang namin, yan ang namiss kong kainin nung nagbakasyon kami, very nice, clear shots, happy LP

Thanks, Tonette! I’m sure – with or without tuyo – masaya pa rin ang Pinas holiday ninyo ;)

16 07 2009
toni

Nakakatakam naman ‘to. Pahingi naman ng sinangag o at kumain na tayo! Maligayang LP!

Sure, let’s salo-salo together – hahaha! BTW, dumating na ba ang special delivery ninyo from the stork? Take care and God bless!

16 07 2009
julie

Ang sarap ng entry na ito, :D Ilabas na ang sinangag at umpisahan na natin, lol!

Game na! :lol:

16 07 2009
ever

anak ng tuyo…nagutom tuloy ako..makahanap nga ng sinangag at maiulam ang tuyo.smahan ko ng kamatis..

Magandang idea yan, Ever… maipaluto nga bukas sa almusal…

16 07 2009
Thess

Tita Pinky, ikain mo ako nito!! Nakngteteng, naiinis na ko mag blog hop ha, sa totoo lang ginugutom ako sa mga pics hu hu hu!

Having a grand vacation? Andyan na si fafah K?

regards from Olandya!

Hola, Manay! :D La pa si Fafah…Agosto pa ang dating…kaya di masyado kumpleto ang saya ;)

16 07 2009
kenji

ang sarap naman! hehehe, sinong nagprito niyan? wahhhh, nakakagutom!

Kenj, hilaw pa yung tuyo at dulong… yung pusit lang ang ready-to-eat :)

16 07 2009
arls

ang ganda naman :) gusto ko ang kulay blue na plate! :)

ang sarap ng dulong!!!! :)

happy LP! salamat sa bisita!

Hello, Arls! Thanks din sa pagdaan… Yung plate? Type ko din siya pero green siya actually. ;)

16 07 2009
Twinkie

Nakakapanlaway… sabay lunok. Haha! I am lovin’ the plato rin. :D

Thanks, Twinx! :) Labs ko din ang plate – siyempre, courtesy of “Mama’s collection” – hahaha! :lol:

16 07 2009
luna miranda

speechless ako…at biglang nagutom (lol)! masarap silang 3!

Salamat, Luna! :)

16 07 2009
karmi

yan na ata ang pinakamasarap na Tuyo Platter! :D hehehe

Di naman! Hehehe :oops:

17 07 2009
Marites

gusto ko iyong pusit:D pero iyong dulong, katulad ba iyan ng dilis? ang ganda ng plato mo:) maligayang LP!

Oo, parang dilis yung pagka-prepare ng dulong dito… pero mas masarap para sa akin yung sariwang dulong ;)

17 07 2009
Rico

Natuyuan ako ng laway dun ah! Sinangag at itlog na lang at mainit na kape, solve na ako!

Good idea yan, Rico! Pero ako mas type ko ang hot choco kesa kape – yum! :D

17 07 2009
The Pope

Sarap naman, miss ko ang dulong, I’ll ask my family to send me those dry stuff, ginutom tuloy me.

God bless.

Pasensya na, Pope, hanggang “virtual sharing” lang ng pagkain kaya ko gawin… hehehe :) Salamat sa pagbisita! God bless too!

19 07 2009
Leap of Faith!

Yum, parang gusto ko ring kainin yan ha.

22 07 2009
Weng

bring in the fried rice, itlog and kamatis! puwede na rin ang suka para sawsawan. samahan pa natin ng manggang hilaw at bagoong! yummy! :)

Leave a comment