
Marahil marami ang magtataka sa inyo kung bakit ito ang lahok ko ngayong linggo. Sa laki naman kasi ng tahanang ito, mistulang gusali na siyang maituturing, hindi ba?
Ito ang Nelly’s Garden, o The Lopez Mansion, sa lumang bayan ng Jaro sa Iloilo, Pilipinas. Itinayo ito noong 1928 ng mga ninuno ng kilalang angkan ng mga Lopez – sina Don Vicente Villanueva Lopez at Dona Elena Javelona Hofilena – at ipinangalan sa panganay na anak nilang babae na si Nelly. Nakatayo ito sa apat na hektaryang lupain at ngayon ay isa nang museo at popular na “wedding venue”.
Isa pang mala-gusaling istruktura na nakatawag-pansin sa akin nang bumisita kami sa Iloilo noong 2007 ay ito…

Ang Kampanilya (Bell Tower) ng Jaro Cathedral. Kakaiba siya dahil nakatayo siya sa tapat ng katedral at hindi sa tabi nito. Hindi lamang siya kampanilya kundi isa ding “watch tower” kung saan makikita ng mga bantay o sundalo kung may papalapit na mga Muslim na mananakop noong unang panahon.
Para mag-”sight seeing” sa iba pang mga gusali, bumisita lamang sa Litratong Pinoy dito.




wow, mansion! hari ng jaro! hehe. napuntahan ko na yata yang cathedral na yan sa iloilo many years ago…it looks very familiar.
ang gara naman ng bahay na iyan!! talagang bagay lang sa mga don at donya
LP : Gusali
Ang ganda ng kuha mo jan! Wow! Kaya pala me ? yung title mo hehe, kasi bahay pala.
PS. Sa linya ng U1 at U6 makikita mo ang mga gusali at donauturm…sa kabilang side opposite papunta ng Schönbrunn…sayang nga sana ay nadala ko kayo doon sa revolving resto, di bale next time…
wow hanep sa bahay! Kung ganyan bahay ko para na rin akong nasa mall hahaha!
Happy LP
Mental note to self – visit Nelly’s mansion when in Iloilo…
That is one gorgeous shot on a gorgeous day – the contrast of the chalky white house against the sunny blue sky is just so idyllic! Looks like a lazy day at the hacienda…
Love the bell tower shot too, and like you, I also chose as one of my subjects a church.
Madami rin magagandang lugar at historical structure sa IloIlo,sayang lang at hindi ko ito lahat napasyalan nung una (at hopefully eh hindi huli) akong nakarating jan.
nakakapanghinayang isipin kung ilan sa mga ganitong gusali na lamang ang natitira sa pinas
uy, ganda naman nung nelly’s garden… sayang di ko napuntahan yan nung nag iloilo kme… nice shot pinky… happy huwebes…
ako rin bahay yung LP entry ko – sobrang laking bahay hehe! hindi pa talaga ako nakakapunta ng iloilo, dapat talaga gawin kong project. napaka-picturesque kasi ng lugar. or talagang magaling ka lang kumuha ng pics (naks!)
gustong gusto ko yung mga blue background ng sky
ganda ganda! lumulutang yung mga subjects mo
Ganda ng mansion ng mga Lopez ah! Old rich talaga sila!
Maligayang Huwebes!
ito’y matatawag pa din namang gusali (paano naman ang lahok ko!? kung hindi gusali ang sa iyo)…basta isang bagay na itinayo para sa tao. ang ganda nga nya eh. ang pangalawang picture ay mahusay ding nakunan. salamat sa pagbahagi.
Reflexes
Living In Australia
wow napaka ganda ng bahay. kaso nakakatakot din sya kung may ganyan kang bahay takaw mata sa masasamang tao
Oy, ganda ng kuha mo ng Jaro…nakapunta na ako diyan pero laging ang pangit ng mga kuha ko maski gandang-ganda ako sa mga gusali nila. Marami silang mga lumang gusali at nakakatuwang tingnan dahil maayos pa ang karamihan.
maligayang LP!
yung unang litrato parang kulang na lang Philippine flag, napa ka historic ang dating.
wow! patang white house yung Nelly’s garden ha! puting-puti! ganda!
wow. that is one great house. ang gara naman ng bahay na yan! and you captured it really beautifully! =]
the bell tower, too =] the colors are almost palpable through my computer’s monitor =] galing!
sana balang araw mapuntahan ko rin ang mga lugar na ito =]
wow! mistulang gusali nga… Mukhang maganda nga yan pangwedding venue…
Naka-base ako ngayon sa iloilo but i’ve yet to see the Bell Tower and Nelly’s Garden. Too busy…(sigh)
ang ganda naman ng entry mo, di kaya ako ang nawawalang kamag anak ni don vicente, villanueva rin ako eh, sabagay maraming villanueva, nice shots
yung unang pix, naging “Food Magazine” cover noong nakaraang taon (Mar 2008)
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
Ang ganda, napaka-espesyal na lugar na ipinangalan kay Nelly
ang ganda ng kuha! at informative ang iyong post! salamat sa pagbisita.
milet@blipbit.com
Ang ganda ng mansion na yan pati structure ng cathedral ala european!
Ang ganda nung bahay. Para siyang mini palace.
ang galing…di ko alam na maraming magandang gusali sa ilo ilo. in fairness aliw na aliw ako sa mga museums ng ilo ilo..at ang sarap ng pagkain nila
love love nelly’s garden. its just such a pretty and romantic building
Sa panaginip ko lang yata mararating at makikita ang mga ito Pinky. Ang ganda ng pagkakakuha mo sa una! Gandang ganda ako sa white against the blue sky! Mukhang busy lagi sa cathedral na iyan? Is it me or the building leans a bit to the left (my right?) Baka pagdating ng panahon , mag ala L.T. of Pisa
uy! napuntahan din namin ang jaro cathedral at may kuha din ako ng kampanilyang iyan. kaya lang nightshot at saka mas mangmang pa ako noon sa pagkuha ng picture kaya hindi sya kashare-share. hee hee. ganda nung mansion sa unang picture!
Nice shots. Magagandang lugar at very informative pa
Minsan ko nang narating ang Iloilo pero matagal na panahon na yun. Hindi ko na maalala…
ang ganders ng mga kuha! paborito ko yung una, parang pwedeng set sa telenovela.
Taray ng bahay! Este gusali, este mansiyon pala! Hehehe!
ang ganda ng kuha mo ng tower, pinky. sa personal kasi parang isang malaking kongkretong tangke ng tubig lang sa gitna Jaro yung tower, pero dito, nabigyan sya ng hustisya ng camera mo.ü
God bless!
Thanks, Bro! Nakaka-inspire naman ang iyong kind comment.