Tulad din siguro ng marami sa atin na lumaki sa bansang malakas ang impluwensiyang kanluranin, isa na siguro sa pinaka-”exciting” na puwedeng mangyari ay ang makakita ng tunay na niyebeng (snow) nahuhulog mula sa kalangitan.
Pinalad kaming makita ito kamakailan sa bayan ng Praha, Czech Republic, habang papunta kami sa “pilgrimage site” ng Loreto Church.
Ang namumuting mga bubungan sa bayan ng Praha – parang naririnig ko na ata ang “White Christmas” habang tinatanaw ko ito
At nang tignan ng malapitan ang puno sa itaas, laking tuwa naming madiskubre na mga prutas na may yelo (frosted berries) pala ang mga inakala naming tuyong dahon…
Exciting, hindi ba?
At kung gusto niyo naman malaman kung bakit “excited” ako sa aking munting kusina, bisitahin ang pinakabago kong “kitchen project” dito.
Tignan din ang iba pang “excited” na litratista ng Litratong Pinoy sa pamamagitan ng pag-”click” ng widget sa aking sidebar.
4-December-2008 at 10:17 pm
Hindi yun yung LP post ko pero exciting din nga yun:D hehehe. Wow, snow:D Ako, hanggang styrophor pa lang at ice cream, hehehe. Lamig siguro diyan *brrrrr*
4-December-2008 at 10:29 pm
Christmas is in the air na….kaya dami na nga dapat ika-excite.
Happy LP
4-December-2008 at 11:26 pm
Maniwala ka, yung panganay kong lalaki, ngumanganga pag me snow! hahahaha, naremind ako ng kantang, ‘Kung ang ulan ay parang tsokolate.”
Naabutan nyo pala magsnow nung ikalawang sabado ano, nakalimutan ko magkuha ng pictures mula sa balkon lol. Ganda ng view nyo jan, puting puti! Happy LP!
5-December-2008 at 1:13 am
taon taon ang mga bata laging excited sa snow, tulad nlang ngayong linggo na balitang mag-s-snow na rin dito. ang ganda ng larawan! na-excite na rin tuloy ako para makapag-pekchur!:)
5-December-2008 at 4:25 am
naaalala ko pa rin ang unang kita ko sa snow, sa Yosemite National Park sa amerika, hindi pala sya kasing pabuloso ng una kong na-imagine hehe tapos nung napunta naman ako sa Finland, doon ko pa mas nalaman kung gaano pahirap ito sa maraming tao… pero may iba naman, di mahintay na maging winter DAHIL sa snow!… kanya-kanyang trip lang hehe
5-December-2008 at 3:00 am
Naku, gusto ko ring makakita ng snow…
Salamat sa pagbisita..
5-December-2008 at 3:36 am
ang ganda ganda ng mga larawan maging ang lugar, nkk-excite siguro talga marating ang Prague
5-December-2008 at 5:27 am
huwaw! ganda naman ng kuha mo. gusto ko iyong berries!! pwdeng mamitas niyan?
5-December-2008 at 8:50 am
naks! ang gaganda ng kuha ah… love the first shot, ganda ng framing… nice one pinky…
pasensya na at ako’y nahuli, pakisilip po ang aking lahok…
5-December-2008 at 9:13 am
Hi Pinks! Naku magagalak din ako kapag ganung scene ang makikita ko. Wish ko yan talaga ang makaranas ng isno. Ganda ng pagkakakuha mo ng litrato, pedeng pang postcard.
5-December-2008 at 3:38 pm
Wow exciting trip nga yan. Nice!
5-December-2008 at 11:23 pm
exciting talaga ang magbiyahe lalo na sa mga lugar na unang beses pa lamang mapupuntahan!
exciting din talaga ang europa. i lab europe.
6-December-2008 at 5:34 am
Ang ganda!!! First time kong dumalaw sa pahina mo at ako na ay isang huge fan!! Bago ako sa LP (actually, bago ako sa blogging altogether!) at ninanais kong sumali. Dahil sa pahina mo, yan ang dahilan kung bakit.
Malaking blessing talaga ang makita ang iba’t ibang sulok ng mundo. Yan din ang nais ko. Binigyan mo ako ng isa pang travel wish list.
Salamat!
Happy LP!!
– Biang
http://sippincoffee.wordpress.com/litratong-pinoy/eksayted/
7-December-2008 at 12:08 am
ako din na excite sa unang real snow kong naranasan…dito sa AU. parang batang tuwang tuwa, kesehodang ginaw na ginaw na
7-December-2008 at 12:18 am
iba talaga ang dating ng snow!
7-December-2008 at 9:27 am
nang maka-experience akong mag-travel sa snowy mountains dito ngayon taon, sobrang excited ako. nakaka-inlove ang ganda ng snow.
ganda ng mga litrato mo
7-December-2008 at 10:55 am
oo nga nakaka-excite ang snow. Kaya lang hindi ko kaya ang lamig…hehehheheh
9-December-2008 at 6:47 am
wala namang kupas ang galing mong kumuha ng larawan sistah!
wow..kainggit pa at me snow pa kayo huh..kami dito ay di pa nakakakita! kelan kaya?
6-January-2009 at 7:03 pm
na-excite din ako sa ganda ng pictures mo pinky!