Malamig na simoy ng banayad na hangin

Dumadampi ng marahan sa aking pisngi

Sabay ang paghigop ng mainit na tsokolate

Habang nakatitig sa kumukutitap na ilaw at makukulay na palamuti

Ng aming binuong ”Christmas Tree”

Kinaugalian at kinagisnan na mula nang magkapamilya

Mapalad at naitutuloy pa sa munting kaharian

Kung saan kapaskuhan ay madalas na isa lamang alaala

Paumanhin lang po kung hindi ako masyadong makadalaw sa inyong mga lahok ngayong linggo at kasalukuyan po kaming nasa maikling bakasyon.  Babawi na lang sa susunod na linggo! :)

Kung gusto niyo namang makitikim ng kinagisnang lutuin, samahan ninyo ako dito.

Maligayang LP sa lahat!