11
Jun
08

LP #11: Kalayaan

 

Kuha sa harap ng munisipyo ng Paranaque, Pilipinas, gamit ang aking “antique” na Sony DSC P43 na “point and shoot”

Opo, nandito na kami sa Inang Bayan para sa aming taunang bakasyon. :) Salamat sa lahat sa inyo na nagdasal para sa aming maluwalhating paglalakbay…

Sa aming muling pagbabalik, bagamat lubos ang aking kaligayahang makita muli ang mga kapamilya at kaibigang pansamantalang naiwan mula nang magpasya kaming mag-anak na mamalagi sa aming munting “kaharian sa disyerto”, di ko pa rin maiwasang makaramdam ng kaunting kalungkutan dahil sa nadatnang kalagayan ng ating bayan.

Kalayaan nga bang maituturing ang…

… pakikipagsapalaran ng maraming Pilipino sa iba’t ibang bayan maitaguyod lamang nang maayos ang sarili at pamilya sapagkat walang sapat na pagkakataong gawin ito sa loob ng Pilipinas?

…diumano’y paglakas ng ekonomiya at piso sa harap ng di maunawaang pagtaas din ng presyo ng mga bilihin at mga “basic necessities” upang mabuhay ng maayos at matiwasay? 

…matinding kahirapan ng nakararami na nagtutulak tungo sa isang buhay ng krimen at karahasan?

Ilan lamang ang mga ito sa mga katanungang sumagi sa aking isipan.  Marahil, ako man ay dapat ding maging “mas malaya” sa aking pag-iisip upang mapansin din ang mga mas positibong kaganapan na nangyayari sa ating bayan – tulad na lamang ng matinding pagkamatatag at pananampalataya sa Diyos ng marami sa atin sa harap ng matinding pagsubok na hinaharap.

Kagaya ng malamlam na kuha ko ng watawat sa itaas na tila sumasalamin sa katayuan ng ating bansa, nawa’y matamo na ng ating bansa ang tunay at nagniningning na kalayaan upang ang bawat isa sa atin ay taas-noo ding masabi – “Pilipinas kong mahal!”.

 


23 Responses to “LP #11: Kalayaan”


  1. 1 ces
    11-June-2008 at 7:49 pm

    ang sarap naman nasa Pilipinas ka na! nakalaya ka na pansamantala sa trabaho at handang sumabak sa sarap na matuturing kapag nasa sariling bansa…

    Hi Ces! Oo nga…masarap ang “paglaya”…kahit pansamantala lamang… ;)

    Alam mo, gustong-gusto kong mag-iwan ng komento sa lahok mo pero parang ayaw lumusot dito sa kompyuter na ginagamit ko dito… :( Gusto ko kasi yung iyong “photo essay approach” at di baleng “paparazzi ang lowlah” – may “K” naman! :lol: Take care and thanks for dropping by!

  2. 11-June-2008 at 8:08 pm

    Tamang tama ang nakasulat sa bandila…”Pilipinas kong mahal”…welcome home if I may say

    Salamat, Girlie! Sa Jollibee at lechon kawali pa lang e talagang masasabi kong we are glad to be back home! Hahaha! :lol:

  3. 3 Joy
    11-June-2008 at 9:59 pm

    Ang sarap naman…gusto ko ring makauwi pero malamang na matatagalan pa. Taga-Paranaque din ang pamilya ng asawa ko.

    Di bale, mas malalasap mo siguro ang iyong pag-uwi pag nagkataon dahil matagal-tagal na rin bago kayo nakabalik. ;)

  4. 4 Leap of Faith!
    11-June-2008 at 10:47 pm

    Inggit ako sa iyo. Di bale ilang linggo na lang… makakalaya rin ako :)

    Pakikamusta na lang ako kay Mayor Jun. Mukhang maraming gimmick ngayon ang Paranaque dahil sa Independence Day.

    Buti na lamang at naayos din saglit yang komputer sa bahay. Akala ko wala kang entry ngayon.

    Oo naman, iniintay ka na namin dito para sa ating taunang “temporary parole”. :razz:

    Sabi ni Mayor, miss ka na rin daw niya kaya pakibilisan na ang pag-uwi… as if! :lol:

  5. 11-June-2008 at 10:56 pm

    maligayang pagbabalik sa ating bayan…malamang sa Disyembre pa ang uwi namin.

    kahulugan ng kalayaan sa Pilipinas…tunay na hirap ang ating bansa (lalo pa ngang naghihirap). ito’y nakakalungkot isipin. ngunit sa tuwing ako’y babalik sa lupang aking sinilangan…kagalakang tunay ang tanging nararamdaman. sabi nga nila ‘there is no place like home’.

    magandang araw muli ng Huwebes!

    Oo naman – di bale ang nakapanlalagkit na init at usok mula sa mga tambutso ng sasakyan – there’s still no place like home! ;)

  6. 11-June-2008 at 11:28 pm

    Sister, salamat muna pala at kahit nasa Pinas ka ay nakakadalaw ka pa rin, naks! Lab mo kaming taga LP talaga ha *wink*

    sa akda mo naman, nalungkot ako bigla….kasi naalala ko tuloy ang pakiramdam ko na mabigat paglapag pa lang ng eroplano sa NAIA…ewan ko…parang hindi na yata tayo makakaahon at makakalaya sa kahirapan…

    enjoy your Pinas stay! ikain mo naman ako ng ube ice cream oh!

    Walang anuman, Manay… Alam mo naman basta LP e mahirap tiisin… :)

    BTW, naikain na kita ng ube ice cream… at dinagdagan ko pa ng keso sa itaas nang lalong sumarap!

  7. 12-June-2008 at 12:44 am

    Hi Pinks! Ito pa lang ang una kong nabisitang LP entry bukod doon sa LP site. Mukhang magiging repeat ang theme na ito nung “Malungkot” theme dati ng LP ah. Yung depressing ba. Hmmm… Lilihis siguro ako ng daan. Allergic kasi ako sa lungkot. Hahaha! :)

    Oo nga, Weng, iwas muna tayo sa mga malulungkot… “happy fots” lagi dapat, di ba? ;)

  8. 12-June-2008 at 1:26 am

    maligayang araw ng kalayaan…:)

    At sa iyo rin…

  9. 12-June-2008 at 2:45 am

    ewan ko ba… bagamat maraming negative, mahal ko pa rin talaga ang pilipinas! hehe!
    magandang huwebes sa’yo!

  10. 12-June-2008 at 4:28 am

    ang ganda naman ng naisip mong lahok….

    pilipinas kong mahal!!

    happy huwebes..:)

  11. 12-June-2008 at 4:35 am

    isipin na lang na habang may buhay ay may pag-asa…

  12. 12-June-2008 at 6:45 am

    Miss ko na ang Pinas! Mag-Enjoy po kayo diyan mabuti! Happy LP!

  13. 12-June-2008 at 7:24 am

    hindi ko rin alam pinky. nakakalungkot na habang tumatagal, mas lumalaki ang gap sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. kahit sinsabing maganda ang ekonomiya ngayon, sa tingin ko iba ang nakikinabang.

  14. 12-June-2008 at 10:00 am

    sana ay matumbasan ng gawa ang mga makabayang paskil na naglapana sa bayan ng pilipinas.

  15. 12-June-2008 at 5:19 pm

    tunay na maganda ang iyong lahok! nakapag iisip! naramdaman ko rin ang iyong naramdaman ng huli kaming umuwi. bakit nga ba ganon?
    yun nga lang kahit anong sabihin, mahal na mahal ko pa rin ang pinas at jan pa rin kami mag reretire! pangarap na sana matupad sa tamang panahon!
    enjoy your vacation!

  16. 12-June-2008 at 6:15 pm

    Korek! Ang masasabi ko lang ay totoo lahat ng mga sinulat mo! Welcome home Pinky!

    Happy LP! At maligyang araw ng kalayaan!

    http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html

  17. 12-June-2008 at 6:27 pm

    maligayang pagdating! sana kahit malamlam ang iyong kuha ay mag-enjoy ka sa mga pagkaing sariling atin. :)

    pakabusog na lang at di puedeng bitbitin ang iba pauwi!

    happy lp!

  18. 13-June-2008 at 3:16 am

    you know pinky I feel for you. That’s why Im so angry with our government. They let us find risk abroad just to sustain our own families while they can do so much to improve the lives of Filipinos here so that we wont have to leave the country. Inuuna kasi pangungurakot!

  19. 13-June-2008 at 5:47 am

    Welcome home at sana ma-enjoy mo ang iyong bakasyon :)

    Masalimuot na usapin ang pagiging OFW, oo, sagot man ito sa mga problema pansamantala pero kami din namang mga nandito ang nakakaranas ng brain drain.

  20. 13-June-2008 at 6:22 am

    maligayang pagbabakasyon!

    tama ang nakasulat pero malungkot dahil kinakailangan itong iwanan pansamantala…

  21. 13-June-2008 at 12:51 pm

    iba-ibang opinyon talaga ang ating maibibigay sa kahulugan ng kalayaan… balang-araw sana ay ganap nating maramdaman ang tunay na kahulugan nito.

  22. 13-June-2008 at 2:54 pm

    ang sarap naman, pinx! talagang iba ang pakiramdam sa pagbabalik sa pinas ano? saya at lungkot talaga.

    ingat kayo at enjoy sa bakasyon! :)

    Strawberrygurl: LP11 Kalayaan
    BusyMom: LP1 Kalayaan

  23. 15-June-2008 at 8:38 am

    maligayang pagbabalik! ingat at enjoy ang iyong bakasyon dito! :)


Leave a Reply




Sexpat Stories:The Domestic Diva Diary

Review my site here…

LITRATONG PINOY

MAKIBALITA NA! Join “Blogs ng mga Kabayang Abroad”

I AM WOMAN. I HAVE A VOICE. I LIKE…

Blog Stats

  • 16,852 hits

 

June 2008
S S M T W T F
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930