LP #9: Ihip ng Hangin

28 05 2008

 

Sa ihip ng hangin matutong makibagay

Tulad ng pagsaliw sa awit ng buhay

Bawat unos ay may aral na hatid

Hagupit ng bagyo may nais ipabatid

Kapag hangi’y humupa at lahat ay nanahimik

Doon matatanto ang nasa puso’t isip

Sa pagsubok ba’y nalugmok at sumuko?

O tulad ng mga puno

Nanatiling matatag, nakatayo at buo?

Ito’y kuha sa Pangulasian Beach, El Nido, Palawan, Pilipinas, noong Disyembre 2007.  Ang Pangulasian ay isa sa mga isla sa Coron na dinalaw namin ng kami’y mag-”island hopping” mula sa Miniloc Resort, kung saan ipinagdiwang namin ng aking kabiyak ang sampung taong anibersaryo bilang mag-asawa.

 


Actions

Information

39 responses

28 05 2008
Meeya

wow, i love this pic pinky! perfect yung imagery kasama ng message mo na manatili nawa tayong nakatayo kahit na malakas ang hagupit ng hangin. katulad nitong mga puno ng niyog, yung resilience nila ang nakatulong para ma-overcome yung hangin. so ngayon, napaka-unique ng naging shape na kinalabasan nila, as unique as we will be pagkatapos din nating makaranas ng pagsubok. :)

29 05 2008
ces

ay ramdam na ramdam ang lakas ng hangin dito! at para ngang matutumba na ang puno ng niyog sa lakas! galing…ganda talaga ng Palawan, sana makapunta rin ako dyan in the future! hirap na tagalugin e…

29 05 2008
Linnor

ang galing ng resilience ng mga puno ng niyog sa gitna ng malakas na hangin… kitang-kita sa litrato mo. :)

29 05 2008
kiwi.pino

sa tindi ng lakas ng hangin ay halos mabali ang puno ng niyog, naka-inclined kasi yun niyog kaya tinuwid lang ng hangin.

29 05 2008
Em Dy

Napakaganda ng tula at litrato. Maligayang sampung taong anibersaryo din sa inyong magasawa.

29 05 2008
betchay

naramdaman ko ang lakas ng hangin sa iyong litrato… ang galing naman ng mga puno ng niyog… ang tatag!

29 05 2008
lids

alam mo bang plano kong pumunta dyan ngayong taon? ang ganda dyan, hindi ba?
huling-huli mo ang ihip ng hangin!
magandang huwebes sa’yo!

29 05 2008
RoseLLe (Reflexes)

ang ‘di matitinag nang anumang lakas ng hangin…niyog. magandang araw sa iyo.

29 05 2008
lino

nice… love the shot… happy huwebes… :)

29 05 2008
ettey

feeling ko matutumba ang mga puno! galing :)

29 05 2008
Buge

Ang galeng at ang ganda! Magaling din ang iyong akda! Sana ay makabalik ako sa Palawan ngayon taong ito! :)

Magandang Huwebes sa yo Pinky! :)

29 05 2008
jennyL

wow isa ka pang makata tulad ni Dyes hata yon… naku sarap siguro sa PAlawan ano, malinis at maganda ang tanawin

29 05 2008
Leah

naku, parang mababali yung mga puno sa lakas ng hangin! galing ng pagkakakuha mo :)

29 05 2008
Arvin

waah, sana makapagbeach kami kahit na maulan-ulan na, hehehe. Lakas nung hangin, nabago niyan yung direksyon ng tubo nung puno:D

29 05 2008
Mitch

Hala! Parang malalalaglag sila. :D

29 05 2008
julie

Ang galing, kahit papatumba na ang puno ay tila lumalaban pa din :)

Magandang Huwebes sa iyo, Pinky.

29 05 2008
Dyes

ang ganda ng pagkakakuha mo!

ang mga punong maninipis ay hindi dapat ismolin kasi sila lang ang nakakatayo pagkatapos ng bagyo :)

sana nga ay maging ganyan tayo sa buhay!

happy hwebes!

29 05 2008
Thess

bakit nga ba ang tibay ng mga punong niyog na kahit pitpitin ay nananatiling nakatayo hampasin man ng hangin habagat?

hayyy kay ganda ng iyong tula!!

29 05 2008
toni

Pinky, ang galing mo magsulat ha! Gustung-gusto ko ang iyong tula. Naaalala ko ring ang halamang bamboo sa iyong paglalarawan.

At napakaganda rin ng iyong litrato. Parang ang sarap ng ihip ng hangin. Napakapresko siguro ng iyong pakiramdam sa mga panahon na ito! Maligayang huwebes sa iyo kaibigan.

29 05 2008
architect

wow palawan… sana makarating ako jan…. gandang huwebes!!!!!

29 05 2008
Surfergirl

Ang galing! kala mo mapuputol na yung puno. ganda ng angulo ng pagkakuha. at syempre, pati na rin ang munting tula!

29 05 2008
ayen

gusto ko ang kuha na to. talagang mararamdaman mo ang ihip ng hangin! :)

29 05 2008
kongkong622

ang ganda talaga ng Palawan! sa puerto princesa at narra pa lang ako nakarating. Sana ay mapuntahan ko din ang El Nido. Ang ganda ng kuha mo!

Happy LP!

Cookie
http://scroochchronicles.blogspot.com/

29 05 2008
christine

mahangin ngunit maaliwalas pa rin ang kalangitan. ang ganda ng kuha mo.. nah homesick ako :(

29 05 2008
iris

ang ganda ng kuha mo. parang iniintay kong mag-pan right yung picture tapos ipapakita yung beach :)

magandang huwebes sayo!

29 05 2008
Jeanny

uy sampung taon…hay pag-ibig kakakilig…late man happy anniv..hehehe

ganda ng larawan…ramdam ko ang lakas ng hangin…sarap pumunta dyan :)

Happy LP

29 05 2008
nina

wow, ang ganda nito. hindi pa ako nakarating sa Palawan. Gusto ko rin makapunta.

Tungkol sa iyong komento:
Ang sand dunes bashing o tinatawag na desert safari ay ang pagda-drive sa desert gamit ang 4×4. Exciting ito lalo na kung maraming tricks ang driver pero delikado din dahil posibleng mag-roll over ang 4×4 kaya kailangan bihasa ang driver.

Malaking tourist attraction ito lalo na sa Dubai pero sa Australia at Amerika, bawal ito. Nag desert safari kami sa Dubai dati. Pagkatapos nagpunta kami sa isang camp kung saan may bbq, shisha at belly dancer. Sayang, sana ay sinubukan nyo.

30 05 2008
mousey

ang ganda naman dyan!

sana balang araw makaiwan ako ng aking bakas dyan.

30 05 2008
caryn

wow, ang galing ng shot mo. happy 10th anniversary to you both!

30 05 2008
Ambo

Dream place ko yan! Happy weekend!

30 05 2008
Clicking Away

Hon, I like this photo… reminds me of many good memories. That was a great way to celebrate 10 years of blissful marriage. I think we should start planning for our 20th anniversary… hard to beat Palawan.

By the way, I also like your poem.

31 05 2008
munchkinmommy

ay maganda talaga sa coron! dalawang beses nang nakakapunta doon ang nanay ko. :) at lagi niya kaming pinipilit na bisitahin din iyon. :)

31 05 2008
Bahchi

Ang ganda ng lugar! At ang lakas ng hangin.

Salamat sa pagdalaw sa entry ko.

31 05 2008
MommyBa

Sana mapuntahan ko ang Palawan sa mga darating na panahon. Balita ko nga eh maganda talaga dun.

ang ganda rin ng pagkakakuha mo ng litratong ito.

happy weekend, ate!

31 05 2008
ZJ

Huwaaaaw!
Para ko na ring naramdaman ang ihip ng hangin – ini-imagine ko ang sarili ko na nandyan, nilalasap ang ganda ng tanawin at ang ang preskong simoy ng hangin habang dumuduyan…

31 05 2008
iska

ang ganda naman ng pagkakakuha mo. kitang kita ang parang bagyong padating

1 06 2008
bluep

wow sis buti pa kayo nakarating na kayo ni Keith sa palawan.

sensya na ngauyon lang ako nakadalaw. sobrang busy ng sked ko. kinakareer ko ka pepe at may paglalaanan ako nung pera.

anyhow keep in touch, I’m just a click away sis

2 06 2008
Pinky

To all those who visited this post and left their comments – MARAMING SALAMAT!

Been really busy preparing for our upcoming home leave so I unfortunately don’t have the luxury of replying to your comments one by one… hope you all understand.

Will make it up to you soon – promise!

3 06 2008
Dragon Lady

i love this pic! napaka-picturesque talaga basta’t nature… tapos sa palawan pa! di pa ako nakakarating dyan pero isa yan sa dream destinations ko. :) at ang kasamang akda, panalo talaga!

sensya na po at ngayon lang nakabisita. busy-busyhan talaga nitong mga nakaraang linggo…

happy LP!

Leave a comment