
Umaapoy ang kalangitan
Sa mga huling sinag ng Haring Araw
Bago siya magbigay-daan sa kadiliman ng gabi
Animo’y sinasabi
Kalungkutan at kadiliman pansamantala lamang
at tiyak na papawiin ng kasiyahan at kaliwanagan
ng isang bagong umaga.
Ito’y kuha sa Aramco Beach, Al Khobar, Saudi Arabia, noong Nobyembre 2007, kung saan naanyayahan kaming mag-anak at ilang kaibigan na dumalo sa isang munting salu-salo para sa nalalapit na kapaskuhan.














awesome shot!
Thanks so much for your kind comment, Jules.
Ang iyong tula at litrato ay parehong likha ng sining! Mahusay!
Kataba naman ng puso ang iyong sinabi, G Mirage… Maraming salamat!
ang tahimik tingnan ng lugar… lalong nagpatingkad sa kulay ng kalangitan
Siguro nga…
muntik ko na rin gamitin ang sunset! ang ganda!
magandang huwebes sa’yo!
Pag maganda talaga, halos pareho mag-isip, di ba? Hehehe!
Salamat sa pagbisita, Lids!
wow.. beach agen.. hindi pa ako nagbebeach!!! inggit.
happy thursday!
Punta na sa Batangas para malapit…dali at magtatag-ulan na!
ang ganda ng dating nung sun sa litrato…
ayos ang kuha na ito…relaxing ang dating ang gandang ipa frame at ilagay sa wall ng sala or kwarto…
happy huwebes…:)
Katuwa naman ang komento mo…feeling “full-fledged photographer” tuloy ang beauty ko – hehehe! Feeling lang naman e… wag kang mag-alala…lilipas din kahibangan ko!
Napakagandang lugar, mukhang tahimik.
Magandang araw ng Huwebes sa iyo Pinky
Halos kami nga lang ang tao noong mga panahon na iyon – lalo na noong maaga-aga pa…
Salamat sa pagbisita, Julie!
Ang ganda ng sunset! At ang ganda ng isinulat mo… sana nga ay maging ganyan din ang ibig sabihin sa akin ng takipsilim
Magandang Huwebes sa yo Pinky!
Buge, huwag kang mag-alala, makakabangon ka din – malapit na malapit na!
hindi ko alam kung san ako mas mai-impress. sa tula o sa picture. pareho na lang.=)
Thank you, Carol! “Touched” naman ako…
iba talaga ang sunset. it makes you think about the deeper meaning of life. hehe. happy huwebes!
May kakaibang “magic” nga siya siguro…
Salamat sa dalaw!
ganda ng pagkakuha mo
see u next LP
Thanks, Cookie! Hanggang sa muli.
Hon, naaalala ko pa ang outing nating ito. Ngunit nakalimutan ko na na nakunan mo pala ng litrato ang takip silim. Ang ganda ng iyong pagkuha nito… nagaagaw ang ilaw at kadiliman.
Tama ka, sa bawat kadiliman sa ating mga buhay ay mayroon ding liwanag na darating sa pagsibol ng bagong umaga.
What can I say? Umiral na naman ang aking pagka-”drama mama” e! Hehehe
wow sunset!
happy huwebes!
Hayyy gustong gusto ko talaga masdan ang paglubog ng araw sa beach..at makata talaga kayo ng iyong kabiyak.
hapi tersdei, Pinky
Ganoon ata talaga pag medyo tumatagal dito sa disyerto, naghahanap ng mapapagbalingan ng kabagotan – hahaha!
Hapi Friday, Thess!
Ganyan din ang pananaw ko sa paglubog ng araw, ang ganda ng pagakakalapat mo ng mga salita sa litrato!
Maligayang Huwebes!
Salamat, Cathy! Nakaka-”inspire” naman ang iyong sinabi…thanks again.
I miss the Philippines na talaga . . malayo kami sa dagat dito!
Talaga? Where in Australia (I assume, from your email address) are you based ba? Was under the impression kasi that there are also a lot of beaches Down Under e.
kay gandang pagmasdan ng ganitong tanawin…maganda ang kuha mo…naalala ko lang ang papa ko dahil sa lugar kung san ito ng larawan mo dyan kasi siya nag-trabaho ng matagal noong siya’y nabubuhay pa…:(
Talaga? Nalungkot din tuloy ako sa sinulat mo…
Di bale, tiyak ko masaya naman ang Papa mong pinapagmasdan at ginagabayan ka mula sa itaas. O, ngiti naman diyan!
wow ang ganda. Magaling kapatid mahusay na pagkuha sa larawan.
Maligayang Araw sa iyo Pinks.
Salamat, Jeanny
Actually, natsambahan ko lang yan e…
sunsets, how i love them…
Probably coz they’re so melodramatic?
I love sunrises too!
ano bang kinakain niyong mag-asawa diyan sa KSA at nagiging poetic kayong dalawa, haha!
i love this pic pinky. hindi ako nagsasawa makakita ng sunset. unfortunately, since nandito kami sa east coast wala kaming ganyang kagandang sunset. pero… meron naman kaming napakagandang sunrise.
MyMemes: LP Umaapoy
MyFinds: LP Umaapoy
Ganyan siguro talaga ang epekto ng maraming authentic shawarma! Hahaha!
That’s what I like about you, Mee, you always see the glass half-full
Take care and God bless!
sino kaya ang makata? ikaw pala eh!
hee hee. kahit saang lugar talaga, maganda ang sunset.
Agree on both counts – hehehe
Hi, Pinky! I always like sunset shots! Salamat sa dalaw mo.
Must be the “drama mamas” in all of us…
Don’t mention it – I do enjoy visiting your site if only for your great pics!
hi! pareho nga tayo ng takbo ng utak! katuwa naman! at ang ganda rin ng iyong tula, tunay na makata!
tungkol sa litratong kuha mo, syempre mahusay lalo ang iyong mga kamay at mata sa larangang ito..teka, napapalalim na ang pagsasalita ko, nakakahawa ka kasi eh..!:)
happy thursday pinky!
Pareho kasi tayong “ganda-babae” e! At hindi rin tayo sinungaling – hahaha!
Salamat sa iyong magagandang pahayag – lubusan akong nagagalak at ika’y aking nakadaupang-palad sa “blogosphere”! Naku at mas lumalim pa ata… Hanggang sa susunod na Huwebes! Ingat lagi.
magandang araw ng biyernes, sensya na late ako, hehehe…
Walang problema – hanggang sa muli, kapatid!
dunno why but the pik reminds me of the phil national anthem
Hmmm… very interesting…. Is it the “lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta” bit?
ang ganda naman! ganyang mga kuha ang gusto kong ma achieve!! hanggang sa susunod
Salamat, Yette! Nakakapagpalakas naman ng loob (at apog!) ang mga pahayag mo
Kita-kits uli sa Huwebes!
gandang litrato….kita ulit sa huwebes
ang peechur at makatang tula ay parehong maganda! wa ako ma-say! saludo ako sa yo
sa next hwebes uli!
para nga syang apoy sa langit. btw,thanks sa pagdalawa sa photoblog ko,have a good weekend!
btw,saan ka ba sa Saudi,my sister works in Dubai,sa ras-alkhaima (i think i got it right.)
talaga namang walang tatalo sa apoy na dulot ni haring araw! napakaganda naman ng kuha mo kasi para bang pedeng gawing postcard..
mabuhay LP!
napakamatalinghaga naman ng kuha mo pinky
pero somehow i find it comforting, na paglubog ng araw, ibig sabihin may bagong bukas na naghihintay. naks.
ako ulit, sistah ganda! bawal ang sinungaling talaga!
nagawa ko na ang tag mo..yeheeey!!!
gusto ko lang mag celebrate at ipaalam sa yo..o sya, happy weekend na ngayon!:)
i feel the same way that i have known you here ..:)
lam mo, sunset at candle ang dapat kong entries.
kaya para maiba naman, fireworks na lang. ha ha.
this pic is beautiful, pinx! happy weekend!
minsan ko ng nakita sa larawan ang araw ng malapitan…nakamamangha talaga ang nilikha NIYA. salamat sa iyong pagdalaw
ang ganda naman ng kuha at ang ganda ng lugar. pagka-sunset talagang hindi maiiwasan na kunin ang camera at magpiktyur…
Oo nga, pareho ang ideya natin ngayong linggo! Isa sa mga paborito kong subject ay ang sunset at sa tingin ko dito sa atin sa Asya ang may pinakamagagandang sunsets sa buong mundo. Nadagdagan ng kulay at emosyon ng tula ang iyong litrato
maraming salamat sa pagdalaw mo!
napakaganda ng kuha mo ng sunset!