08
May
08

LP #6: Mahal na Ina

 ”Malilimutan ba ng ina

ang anak na galing sa kanya?

Sanggol sa kanyang sinapupunan

Paano niya matatalikdan?

Ngunit kahit na malimutan

ng ina ang anak niyang tangan

Hindi kita malilimutan

Kailan ma’y di pababayaan.”

Habang nagbibigay-pugay tayo ngayon sa ating mga mahal na ina, sumagi sa aking isipan ang mga kataga sa itaas mula sa isang tanyag na awit sa Pilipino at hango sa Mahal na Aklat.  Bilang isang ina na lubusang nagmamahal sa aking mga anak, di ko maubos maisip na higit pang mas malalim at dalisay ang pagmamahal ng ating lumikha sa atin kaysa sa ano pa mang pag-ibig na kaya kong ialay sa aking mga supling – isang bagay na tunay na kamangha-mangha pero totoo!

Ang kaalamang ito ang nagbibigay lakas at pag-asa sa akin.  Bagamat taos-puso at abot-langit ang aking pagmamahal at pasasalamat sa aking ina, higit akong nagpapasalamat sa isang mapagmahal na diyos at lumikha na hindi nakakalimot at hindi ako kailanman pababayaan.

Ang litrato sa itaas ay kinunan ko gamit ang aking Nokia N70 mula sa kaisa-isang “painting” na nabili naming mag-asawa ilang taon na rin ang nakalilipas noong kami ay nakatira pa sa Maynila.  Ito ay likha ni Ginoong Jun Alfon at nabibilang sa kanyang “Tiboli mother and child series”.


39 Responses to “LP #6: Mahal na Ina”


  1. 1 ces
    8-May-2008 at 1:40 am

    hi pinky!
    nakakaiyak ang awiting yan…kaya lang naalala ko naman ang aking yumaong ama:(
    napapakanta tuloy ako…happy mother’s day to you too in advance!!!

    Thanks, Ces! Ewan ko nga ba at para kasing naging “anthem” na ito sa mga lamay at libing e… :(
    Sayang, dahil napakaganda pa naman ng mensahe nito para sa ibang pangyayari sa ating buhay bukod sa kamatayan. Sana’y maging masaya ang “celebration” mo ng Mother’s Day bukas.

  2. 8-May-2008 at 3:22 am

    Mahusay na larawan ng isang art work at mainam na lapat ng musika…

    Salamat, Peterahon! :) Kita uli tayo sa Huwebes…

  3. 8-May-2008 at 3:34 am

    pinky, totoo lahat ng iyong isinulat… malaking pasasalamat sa mga ina at sa ating tagapag-likha!

    magandang huwebes sa’yo!

    Amen talaga, Lids! ;) Biyaya talaga ang mga ina, di ba?

  4. 4 akathinitis
    8-May-2008 at 5:32 am

    “Hindi kita malilimutan, kailan ma’y hindi pababayaan”. Itong mga salitang ito, kahit hindi sambitin ng mga magulang, nararamdaman ng mga anak nila.

    Happy Mother’s Day!

    Tama ka diyan, Cathy! :) Salamat sa pagbisita!

  5. 8-May-2008 at 6:01 am

    hi pinky, sa wakas nakalusot din dito. perstaym kong makabisita sa mga lahok mo dahil sa kahigpitan sa bansang kinaroroonan.
    Napakaganda ng painting na iyan, at napakaganda ng mensahe mo. Napaiyak mo ako sa lahok mo dahil namimiss ko ang king ina. Kailanma’y di ko na siya makikita.
    happy mother’s day.

    Welcome, Nona! :) Huwag kang malungkot, tiyak ko nakikita ka pa rin naman ng Mama mo at patuloy na ginagabayan at ipinagdarasal mula sa itaas. Salamat sa iyong pagbati! Sana’y “makalusot” ka uli sa susunod na linggo… Ingat!

  6. 8-May-2008 at 6:15 am

    nakaka-antig ng damdamin ang awiting iyan :)

    happy mother’s day sa yo :)

    Thanks, Dyes!

  7. 8-May-2008 at 6:47 am

    napakaganda ng painting – modern yet mababakas mong pinoy ang may gawa.

    Oo nga, Kiwipino, kaya nga nagustuhan naming mag-asawa dahil “mother and child with a Filipino flavor” ang dating, ;) Salamat sa pagdalaw!

  8. 8-May-2008 at 7:03 am

    gustong gusto ko yang kantang yan..di naman ata ninais ng lumikha nyan na gawing pang-burol ang kantang yan..ewan ko ba kung bakit nagkaganoon.

    ang ganda naman ng painting na yan :)

    Kaya nga, Scrooch, nagtataka rin nga ako na naging pampatay yung awit na yan e :) Salamat sa pagdaan mo…kita-kits uli sa Huwebes!

  9. 8-May-2008 at 8:23 am

    ay naku makabagbag damdamin talaga ang awiting iyan..happy mother’s day sa yo

    Thanks, Jenny! :)

  10. 8-May-2008 at 9:16 am

    Napakaganda at nakakaiyak na awitin.

    Maagang pagbati para sa araw ng mga ina.

    Salamat, Julie! Ingat.

  11. 11 Leap of Faith!
    8-May-2008 at 9:59 am

    Hon, naloko mo ako duon ha… akala ko pa ng una ay ikaw ang nagsulat ng poem na iyon… sikat na kanta pala siya. Mukhang napupurol na ang utak ko ha.

    Tama ka nga na dapat huwag nating kalimutan ang pagmamahal sa ating ng ating Diyos. Tunay na ito ay higit pa sa anumang pagmamahal na kayang ibigay sa atin ng sinumang tao… kahit ang mga ina pa natin.

    Ngunit, dapat pa rin parangalan ang lahat ng mga ina dahil sa kanilang walang humpay na pagmamahal sa kanilang mga anak.

    Maswerte ang mga anak natin at ikaw ang kanilang inay. Sana huwag mong makalimutan iyon :)

    Sana ang mga anak natin ang huwag makalimot – na kahit makulit ako at paulit-ulit sa paalala madalas, pawang kabutihan at kapakanan lang nila ang aking inaalala. Salamat din sa iyo dahil kung wala ka, di tayo mabibiyayaan ng ating mga mahal na “gremlins”. :) Labyu!

  12. 8-May-2008 at 11:16 am

    Agree ako sa sinulat mo…. at sa mensahe ng awit. Yung pic kakaibang version ng Madonna & child. Maganda! :)

    Thanks, Linnor! Buti naman at nagustuhan mo… Hanggang sa muli! :D

  13. 8-May-2008 at 11:51 am

    napapa awit tuloy ako ah! :) happy huwebes po!

    Huwag nang mahiya…kanta na! :lol: Huwag mo naman akong i-”po” dahil “bagets-at-heart” pa naman ako… ;)

  14. 8-May-2008 at 12:46 pm

    magandang painting :-)
    happy mom’s day!

    Thanks, Iska! Same to you.

  15. 8-May-2008 at 1:02 pm

    kapatid mahilig pala talaga kayo ni Leap sa mga sining. Pareho tayo ng gamit na Cam, Nokia din hehe. Ang tula na yan kungdi ako nagkakamali ay base sa awit ni Fr. Manoling Francisco na inawit ni basil valdes. Napakaganda ng awitin na yan.

    Advance happy Mother’s day sayo Pinky

    Di naman masyado ;) Ang ganda kasi ng mensahe ng awit e – nakaka-”senti”, ika nga… ;)

    Salamat sa pagbati, Blue P!

  16. 8-May-2008 at 5:32 pm

    salamat sa email ha, di na ko nakareply… ang ganda ng iyong larawan, makulay at masaya…tamang tama sa tema

    gandang LP!

    Okay lang, Teys :) Sayang nga, di na naman ako makaiwan ng komento sa lahok mo dahil wala akong Blogger o Google account – ganda pa naman ng komposisyon mo – tuwang-tuwa ako sa mga makikintab na sapatos ninyong mag-ina. How very kikay! :lol:

    Happy Mother’s Day din sa iyo!

  17. 8-May-2008 at 6:19 pm

    happy mother’s day, pinks…to you and to ninang petite. :) ang ganda ng painting, parang makabagong madonna and child. :) mmmwah!

    Munchkin Mommy
    Mapped Memories

    …and to you, Claire, and Tita Emy too! :) Yup, this one’s definitely one of our favorites ;) A big mwah back and warm hugs to you!

  18. 8-May-2008 at 6:39 pm

    Hi pinky. Ang kantang yan ay laging nagpapaluha sa akin. Meron syang matinding mensahe sa mga anak na katulad natin. Mapapalad tayo sapagkat may inang nagmamahal sa bawat isa sa atin at isang Panginoon na nagbigay ng mga mabubuting ina na meron tayo.

    Happy mami day Pinky ;)

    Salamat, Jeanny! Agree ako sa lahat ng isinulat mo – mabuhay ka!

  19. 8-May-2008 at 9:56 pm

    that is one beautiful painting, pinky. happy mothers to you and your dearest, mommy!

    …and to yours, too! Thanks for dropping by, Nell! :)

  20. 9-May-2008 at 12:55 am

    very artistic painting! maligayang araw ng mga ina sa inyo!

    Thanks, Chrys!

  21. 9-May-2008 at 1:07 am

    nice one! :) keep it up!

    Thanks!

  22. 9-May-2008 at 2:19 am

    ang ganda ng painting :)

    Buti naman at nagustuhan mo :)

  23. 9-May-2008 at 6:04 am

    Ang ganda naman ng mensahe sa sinulat mo. Sa tuwing naiisip ko ang mga pinagdaanan ng aking ina at mga nabigay niya sa amin, talagang naluluha ako…

    Talagang tunay at dakila ang pagmamahal ng ating mga ina!

  24. 9-May-2008 at 7:57 am

    wagas talaga ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. at hinding-hindi ito mawawala.

    Happy Mother’s Day po sa inyo. :)

    Salamat, Komski! :)

  25. 9-May-2008 at 1:29 pm

    napakaganda ng awiting iyan. maganda rin painting.

    maligayang araw ng mga ina!

    :mrgreen:

  26. 9-May-2008 at 1:35 pm

    sowi pinky, nagkamali ako ng comment :) pero happy mother’s day pa rin sayo! :)

    Okay lang… ganyan ata talaga kapag maraming binibisita tuwing LP, di ba? ;)

  27. 9-May-2008 at 2:45 pm

    Hi Pinky, bago ang lahat..Happy Mother’s Day sa iyo!!

    Maganda ang painting na ito! sadyang marami talaga tayong mahuhusay na artists ano? Buti nadala mo ito sa inyong nilipatan na bansa.

    have a nice weekend!

    Salamat, Manay Thess! :) Buti at sagot ng opisina ni Keith ang gastos sa paglipat ng ilang bagay mula sa Pinas kaya nadala ko ito… ;)

  28. 9-May-2008 at 2:57 pm

    happy mother’s day pinky!
    salamat for sharing that painting, pati na din yung lyric ng song.. paborito ko kasi ang kantang yan :)

    Thanks, Star! :D Don’t mention it… See you again next Thursday!

  29. 9-May-2008 at 5:23 pm

    nakakaiyak..

    Okay lang yan,Alpha… tawa naman diyan ;)

  30. 9-May-2008 at 9:00 pm

    love this painting, pinky. speaking of t’boli, alam mo bang somewhere down our family tree on my mothers side eh we have t’boli and muslim heritage. kaya nga i’m ever fascinated with genealogy, hehehe. happy mothers day to you, mwaaah ;)

    Really? That’s really interesting and very “bongga”, if I may say so – you have such a mixed heritage pala! Imagine from Spanish to indigenous Muslim – can’t really say I’ve met anyone with such varied ancestry as you ;) Many thanks for the warm greetings!

  31. 9-May-2008 at 9:36 pm

    maligayang araw nang mga ina sa iyo, pinky!

    ang ganda nang painting, makulay na makulay. :D

    Maraming salamat, Dragon Lady!

  32. 9-May-2008 at 11:21 pm

    happy mother’s day Pinky! :)

    Thanks, Abby! Same to you. :)

  33. 10-May-2008 at 6:20 am

    ang ganda ng painting! buhay na buhay.

    happy mother’s day, pinky! :)

    Thanks, Tin! And a warm mom’s day hug to you too! :D

  34. 10-May-2008 at 6:13 pm

    Pinky, babatiin lang ulit kita ng Happy Mother’s Day…bukas na sya!!

    May gift na ba si mister para sa yo? I hope so :)

    Salamat uli ng marami, kapatid! :) Oo, meron na… kabibigay-bigay lang nga e… ;)

  35. 11-May-2008 at 1:13 pm

    Napakagandang lahok!!! Gusto ko ang kulay!

    Happy Mothers’ Day!

    Salamat sa pagbisita, Mommy Ba! At maligayang araw ng mga ina din sa iyo! :)

  36. 12-May-2008 at 5:04 am

    akala kong noong una painting mo. :D pero tama ka, we should also thank God for our moms.

    Naku, kung ganyan ako kagaling magpinta e di bongga! :lol: Yup, God has truly been very good to us to give us the moms we got…

  37. 15-May-2008 at 2:33 am

    i know i left a comment here last time. anong nangyari?? haha! alam ko i asked if you eventually want to complete the whole collection. anyway… i love the painting, ang ganda ganda. the colors are so alive and so bright i’m thinking the colors are perfect for painting a mom.

    ps. i get emotional with that song, haha!

    Naku…ma at pa! Di ko talaga alam ang nangyari sa “Case of the Disappearing Comment” :( Some weird glitch siguro…

    As for completing the collection, di ata kaya ng powers namin ni Keith yon – hahaha! Paisa-isa lang talaga ang afford namin ngayon… :)

    Ka-senti din the song for me. Pa-group hug nga diyan!

  38. 8-June-2008 at 12:03 am

    hello,just looking for blogs nd i happened to visit your site. happy to know you like and most of your friends like the painting.please visit my website and feel free to contact me. am the artist.

    jun alfon

    Such an honor to have “the Jun Alfon” visit my site and leave a comment – thank you very much! :) Will certainly drop by your site and will refer friends who may be interested. More power to you!


Leave a Reply




Sexpat Stories:The Domestic Diva Diary

Review my site here…

LITRATONG PINOY

MAKIBALITA NA! Join “Blogs ng mga Kabayang Abroad”

I AM WOMAN. I HAVE A VOICE. I LIKE…

Blog Stats

  • 16,852 hits

 

May 2008
S S M T W T F
« Apr   Jun »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31