10
Apr
08

LP #2: Tatlo ang Sulok Ko

Ang napili kong ilahok sa tema ngayong linggo ay ito:

Tatlo ang Sulok Ko

 Sirit na?

Ito ay bubong ng isang maliit na bersyon ng isang “spirit house” na nabili namin sa isang “night market” sa Bangkok ilang taon na rin ang nakararaan.  Ang “spirit house” ay karaniwang makikita sa  labas ng maraming bahay, kainan o tindahan sa Thailand.  Naniniwala ang mga Thai na pamumugaran ito ng mabubuting ispirito na inaasahang magbibigay suwerte sa kanilang buhay at negosyo.  Tulad rin ng nakagawian ng maraming Pinoy na may mga poon sa kani-kanilang mga tahanan, madalas ay inaalayan din ang mga “spirit house” ng  bulaklak at pagkain.

Hindi naman talaga kami mapamahiin.  Sa totoo lang, ang naging atraksyon lamang ng bagay na ito ay ang kanyang kakaibang “craftsmanship” at dahil sa tingin namin ay nababagay ito sa temang-Oriental ng mga muwebles sa aming tahanan.  Isa pa, may kaunting “twist” itong “spirit house” na ito dahil ginawa talaga siya para maging isang “aquarium”!

Sa katunayan, aliw na aliw nga ang mga bisita namin sa Maynila noon dahil kakaiba nga ang napili naming aquarium.

Sa paglipat namin dito sa kaharian, minabuti naming gawing mas payak ang aming pamumuhay (mahirap-hirap din kayang dagdagan pa ng paglilinis ng aquarium ang mga gawaing-bahay, diba? ;) ).  Isa pa, di rin naman karamihan ang mga panauhing dumadalaw sa amin kaya di na kinakailangan ng kakaibang “conversation piece” na ito. Dahil dito, mula sa pagiging isang aquarium, eto na ngayon ang gamit ng ”spirit house” sa aming bahay:

Ang \

Simple pa rin naman pero nananatiling may karakter. ;) Ano sa tingin ninyo?

 


33 Responses to “LP #2: Tatlo ang Sulok Ko”


  1. 1 sardonicnell
    10-April-2008 at 1:40 am

    i love it, pinky. you know naman how i fancy asian arts and craft. ang ganda, me like it a lot ;)

    Me love ‘em too! We must’ve been “oriental princesses” in our past lives – hahaha! Whaddyathink? ;)

    Have a terrific Thursday, Nell! Mwah! :cool:

  2. 10-April-2008 at 3:00 am

    nice one… :)

    Thanks, Lino!

  3. 10-April-2008 at 4:33 am

    Hindi lang para sa mga ispirito, pero sa totoo lang, napakaganda nito :)

    Salamat, Julie! Sa totoo lang, mas gusto ko sanang walang ispiritong manirahan sa kanya – hehehe! ;)

  4. 10-April-2008 at 4:44 am

    uy oo nga ano.. mataas pala yan. :) pero infairness, tatsulok nga sya :) happy thursday sa yo

    Di naman kataasan, nakapatong pa nga sa mesa e – hehehe! :) Happy Thursday din sa iyo! Salamat sa pagdalaw.

  5. 10-April-2008 at 5:10 am

    Kinilabatutan ako nabasa ko spirits. Duwag po kasi ako hehe. Nice. I love it!

    Mabuhay po kayo!

    ambothology.com

    Ako rin, Mang Ambo! Mas gusto ko talaga siyang aquarium o lalagyan ng kandila lang – wag lang ispirito! Salamat sa pagbisita. Hanggang sa muli! :)

  6. 6 Leap of Faith!
    10-April-2008 at 10:21 am

    Hon, this is one of my favorite pieces from our collection (wow, as if ang dami no). I like it because it is so unique and the craftsmanship is great. Hopefully, when we get a chance to move again to our own house, we can put a real spirit house in our garden.

    You said it. It’s one of my favorites too! Hmmm… a real one? Pwede bang replica na lang – something which looks like it but doesn’t serve the same purpose. You know how I get spooked with anything supernatural – hahaha! Labyu! Mwah! :mrgreen:

  7. 10-April-2008 at 11:19 am

    interesting ito.. {di ko alam sa tagalog} :D

    Maraming salamat. :)

  8. 8 ZJ
    10-April-2008 at 12:30 pm

    Hi Pinky – medyo pareho ang subject ng tatsulok entry natin :) Ang sa akin naman ay ang tatsulok na hugis ng bubong ng mga Buddhist wats dito sa Cambodia. E magkakamukha lang naman ang mga wats o temples ng Cambo at Thailand.

    Hi ZJ! Oo nga, nakita ko ang pagkakahawig ;) Siguro nga halos magkakamukha ang arkitektura ng mga bubong ng wat – sa Cambodia man o Thailand – dala na rin siguro ng impluwensiya ng Budismo.

    Salamat sa pagdalaw! Hanggang sa susunod na Huwebes… :D

  9. 10-April-2008 at 1:04 pm

    salamat sa pagbahagi ng kwento ng tatsulok mo :)

    Walang anuman. :) Kita-kits uli sa susunod na Huwebes!

  10. 10-April-2008 at 1:20 pm

    kakaibang desenyo nga yan. salamat sa pagbahagi tungkol sa spirit house.

    maligayang huwebes

    You’re welcome, Sasha! :) See you again next Thursday. Ingat, kabayan!

  11. 10-April-2008 at 2:05 pm

    Napakaganda naman ng tatsulok na yan. At napaganda din ng bago niyang purpose bilang lalagyan ng kandila. Nung una ay akala ko upuan siya na may tatsulok na sandalan… hindi pala. Haha! Sana nga ay magdala ito ng swerte sa inyo! :)

    Sana nga, Buge… :) Salamat sa pagbisita!

  12. 10-April-2008 at 2:24 pm

    napakaganda ng iyong spirit house. sa katunayan ngayon ko lang nalaman na may ganyan pala. pero mas gumanda nung ginawa ninyong lampara. meron kayang ganyang bersyon dito sa pinas? magandang ilagay yan sa hardin namin.

    Salamat naman at nagustuhan mo siya, Blue P :) May nakita akong kamukha niya sa Pinas sa mga Oriental home furnishing stores sa ilang malls. Bili na! :D

  13. 10-April-2008 at 4:13 pm

    galing ah…magandang art craft yan…ganda ng taste nyo sa pag pili…

    maligayang huwebes kapatid

    Thanks, Jeanny! At isang maluwalhating Biyernes naman sa iyo ;)

  14. 10-April-2008 at 4:43 pm

    Aquarium? Napaka-unique naman na aquarium! Nakaka-aliw!

    Akala ko orihinal na purpose nya ay candleholder..mali pala…

    Medyo kakaiba nga siya, Zamejias, kung kaya’t nagustuhan naming mag-asawa :) Salamat sa pagbisita!

  15. 10-April-2008 at 5:00 pm

    very asian ang dating. ngayon lang ako nakakita ng “spirit house” :)

    Ewan ko ba kung bakit sobrang “attracted” ako sa mga Oriental na muwebles… Di kaya dahil pekeng Oriental (Chinoy) ang asawa ko? Hahaha! :lol: Kita ulit tayo sa susunod na Huwebes. Ingat!

  16. 10-April-2008 at 5:17 pm

    Ang daming gamit ng spirit house na ito. Flexible. Inisip ko pano ang isang pahabang aquarium. Di kaya masikip para sa mga isda? :)

    Di naman kasikipan, Lynn, basta maliliit na isda lang tulad ng goldfish, angel fish o fighting fish ang ilalagay sa kanya. :) Thanks for dropping by!

  17. 10-April-2008 at 6:09 pm

    pinks, ang ganda nang memorabiliang yan galing sa thailand. :) at functional pa! sayang at hindi kami nakapamili ng kahit ano mang puwedeng idekorasyon sa bahay sa dalawang beses na nagpunta kami doon. sa susunod na lang. hahaha! :D mabuhay!
    Mapped Memories
    Munchkin Mommy

    Sinabi mo, Weng – isa nga ito sa mga paborito namin e :) Di bale, mamili ka na lang sa susunod na bisita mo ng Thailand. Itaon mo na lang na weekend para makarami kayo sa Chatuchak – hahaha! ;)

    Alam mo bang nagde-deliver pa sila internationally? Yung iba kasing naipamili namin e pinadala na lang namin sa kanila via sea freight papuntang Pinas. Ang maganda pa dito e di kamahalan ang singil nila para sa serbisyong ito. Service deluxe kumbaga – hehehe…

  18. 10-April-2008 at 6:10 pm

    Pinky, ang ganda naman nitong nabili mo sa night market! Ilang taon ako tumira sa Thailand hindi ko ito pinapansin.
    Ang ganda nga nya na gamitin para sa kandila!

    salamat sa mga dalaw ha! :)

    Sayang naman, Thess… ang dami pa namang magaganda at murang gamit pambahay sa Thailand! Sana ay namakyaw ka na noong nandoon ka pa… Di bale, bawi na lang pagbisita mo uli! ;)

    Walang anuman. Sobrang naaaliw naman akong dumalaw sa iyong site e ;) Hanggang sa muli!

  19. 11-April-2008 at 12:29 am

    ang ganda! spirit house pala ang tawag dyan :) magandang huwebes!

    Salamat, Grey! :) Dalaw ka uli ha? ;)

  20. 11-April-2008 at 12:54 am

    Ang ganda nga nyan…interesante nga siguro yan nung aquarium pa sya, ano? Type ko ang intricate design. ganda! Salamat sa pagbisita sa aking LP!

    Oo nga, kaso medyo mahirap maglinis ng aquarium dito kaya “candle holder” na muna siya pansamantala :) Kita-kita uli sa Huwebes!

  21. 11-April-2008 at 1:26 am

    naintriga ako sa unang larawan. ang galing ng mga tatsulok mong lahok. :)

    Salamat ng marami, Christine :) Sa uulitin ha? ;)

  22. 11-April-2008 at 4:00 am

    wow Pinky, type ko din yang “spirit house”, i’m also a big fan of asian inspired handicraft. :)

    Oo nga, Abby, para kasing sobrang simple pero elegante ng Asian-inspired handicraft, di ba?

  23. 11-April-2008 at 5:28 am

    ngayon lang ako nakakita ng ganito. kakaiba :) thanks for sharing!

    You’re welcome, Star! Thanks for the visit! ;)

  24. 11-April-2008 at 5:43 am

    baka naman may lumabas na “mumu” jan sa “spirit haws” na iyan,takot naman ako. :D

    Wag ka naman ganyan, Pixel… duwag din kaya ako! :lol:

  25. 11-April-2008 at 8:11 am

    nice! thailand nga! :)
    naalala ko ang jim thompson house :)

    Oo, Lizeth, I loved the Jim Thompson house too! :) Ganda ng mga items kaya lang medyo mas pricey than usual kaya balik Chatuchak na lang ako – hahaha! :razz:

  26. 11-April-2008 at 11:13 am

    hanggaling! una, akala ko temple. pero, tama rin siguro kasi sisidlan yan ng mga spirits. ingat ka na lang sa mga shadow *wink*

    Basta shadow lang mula sa ilaw ng kandila at wala nang iba pa e okay na siguro – hahaha!

  27. 11-April-2008 at 1:41 pm

    Ang ganda naman nyan! I love your entry :) Salamat sa pagdalaw!

    Salamat din sa iyo! Kita uli tayo sa Huwebes ;)

  28. 11-April-2008 at 2:04 pm

    may karakter talaga ang iyong tatsulok, ang galing!

    di ko inakalang aquarium nyo pala iyan noong pasimula… naaliw din ako sa spirit houses na nakita ko sa bangkok noong ako’y nakabisita taong 2006. :D

    inaanyayahan din kitang bisitahin ang aking lahok. ;)

    Ibang klase ang ganda ng Thai handicrafts ano? May “attention to detail” at kalidad kaya masarap kolektahin… Sige, bisita ako sa site mo ha. Ingat!

  29. 11-April-2008 at 2:31 pm

    Ganda ngang display sa bahay:) kasama na rin yung kandila, swak na swak, parang may mahika, hehehe. Pero parang nakakatakot sa gabi yan ha, lalo na kung lumulutang, hehe.

    Wala namang ganyanan, Komski! Matatakutin din kaya ako ‘no! :razz:

  30. 11-April-2008 at 5:49 pm

    napakaganda at unique, ang galeng ng idea mo na lagyan ng kandila. gusto ko rin nyan, makapunta ng ng Bangkok, hehe

    Biyahe na, Girlie! I’m sure di ka magsisisi… :) Plus, sarap din ng pagkain nila doon kaya sulit, di ba? Salamat sa pagbisita!

  31. 11-April-2008 at 6:34 pm

    galing talaga ng craftsmanship ng mga taga thailand. gusto ko din nyan. :D happy weekend po!

    Happy weekend din sa iyo, iRonnie! :) Kaso sa amin, simula ng week ang Sabado e kaya balik-kayod na naman… waaahhh!!! :lol:

  32. 12-April-2008 at 10:55 am

    ang ganda ng picture! nice shot! sana may spirit house din kami sa bahay :) cool at hit yan sa mga bisita ;) happy weekend!

    Salamat sa pagdalaw, Pillow! Hanggang sa Huwebes uli :)

  33. 14-April-2008 at 9:54 pm

    i love the details, pinky! :) sana dumating ang panahon na makapag-collect din kami ng mwebles na pambahay, especially mga ganyan ka-intricate at sentimental. sa ngayon mga galing walmart lang ang mwebles namin, hehehe!

    Don’t worry, Meeya, am sure you’d soon find yourselves in a “muwebles” phase and when you do, di mo talaga mapipigilan ang bumili – hahaha! :lol: Kung ang iba ay damit, bag at sapatos ang hilig, kami ni Keith, gamit sa bahay! :razz: Medyo napigil na nga ang aming “addiction” dito dahil sa di karamihan ang mga mura at magagandang Oriental shops dito sa kaharian.


Leave a Reply




Sexpat Stories:The Domestic Diva Diary

Review my site here…

LITRATONG PINOY

MAKIBALITA NA! Join “Blogs ng mga Kabayang Abroad”

I AM WOMAN. I HAVE A VOICE. I LIKE…

Blog Stats

  • 16,852 hits

 

April 2008
S S M T W T F
« Mar   May »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930